|
||||||||
|
||
20141215Melo
|
PINAYUHAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga bagong tanggap na opisyal ng Santadahang Lakas ng Pilipinas na huwag madadala sa tukso ng salapi. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na nararapat maging mabubuting halimbawa sa mga kapwa kawal ang lahat.
Ito ang kanyang mensahe sa pinagsanib ng pagtatapos ng mga pumasok sa Officers Candidate Courses sa Kampo Aquinaldo. Ani Pangulong Aquino, nararapat lamang tahakin ng mga opisyal ang daang matuwid.
Idinagdag ni Pangulong Aquino na mayroong mga magtutulak ng sobreng hitik sa salapi kapalit ng lagda at may magtatangkang padaliin ang inyong buhay kapalit ng prinsipyo. Naniniwala umano siyang gagawin ng mga opisyal ang tama.
Kailangan umano ang tatag sa gitna ng mga pagpuna. Umabot sa 146 ang nagtapos ng kanilang kurso sa AFP major services at nanumpa na rin bilang mga regular na kasapi ng AFP matapos matanggap ang kanilang sertipiko na pagtatapos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |