Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nanawagan sa mga bagong opisyal

(GMT+08:00) 2014-12-15 18:20:51       CRI

Mga operator ng taxi, inatasang magsumite ng legal na mga tsuper

MATAPOS ang matagal ng panahon, inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pamamagitan ng isang Memorandum Circular ang lahat ng operator ng taxi na pumapasada sa National Capital Region na magsumite ng talaan ng mga lehitimong tsuper. Kailangan ito upang mapanatili ang disiplina, responsibilidad at pananagutan sa mga tsuper na taxi para sa kapakanan ng mga pasahero.

Inilunsad ng LTFRB ang kampanya at suportado ng Land Transportation Office, Department of Transportation and Communications (DOTC) Action Center, Philippine National Police Highway patrol Group at maging ng DILG Emergency 117.

Suportado ang kautusang ito ng Philippine National Taxi Operators Association, Association of Taxi Operators of Metro Manila, Airport Transport Concessionaries Association, Inc. at ng National Center for Commuter Safety Protection sa paglulunsad ng programa laban sa mga krimeng nagaganap sa mga taxi.

Sa nakalipas na ilang linggo, tumaas ang bilang ng mga reklamo laban sa mga bastos ng tsuper ng taxi at kawalan ng responsibilidad. Ilang pasahero na ang nabiktima ng mga mandarambong na taxi driver. May mga nawalan ng mahahalagang kagamitan dahilan sa ilang taxi drivers.

Dapat magpadala ng soft and hard copies ng mga tsuper nila sa Metro Manila sa Information and System management Division ng LTFRB bago sumapit ang ika-15 ng Enero. Dapat lamang nakalagay ang buong pangalan at address ng mga lehitimong tsuper.

Kasama sa itatala ang mga pangalan ng mga tsuper na hindi na nagtatrabaho ngayon. Nakatakda rin silang magsumite ng mga talaan sa bawat ika-labing lima at katapusan ng bawat buwan.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>