|
||||||||
|
||
Walang pananalakay laban sa mga kasapi ng New People's Army
HINDI maglulunsad ng anumang pananalakay ang mga kawal ng santahang lakas at mga tauhan ng pambansang pulisya laban sa mga kasapi ng New People's Army mula sa hatinggabi ng ika-18 ng Disyembre hanggang sa ika-19 ng Enero 2015.
Sa pahayag na ipinadala sa mga mamamahayag, inirekomenda ng Armed Forces of the Philippines at sinang-ayunan ng Philippine National Police at itinaguyod ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, sinang-ayunan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino ang Unilateral Declaration of Suspension of Military and Police Operations laban sa New People's Army.
Ang deklarasyon ng SOMO laban sa mga NPA ang pagpapatunay ng katapatan ng pamahalaan na maganap ang kapayapaan.
Ang mga kawal at pulis na sangkot sa pagpapatupad ng batas, humanitarian assistance and disaster response at defense operations na kinabibilangan ng pagbabantay sa mahahalagang tanggapan, pasilidad at pagawaing bayan ay magpapatuloy upang matiyak ang ligtas at payapang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Babantayan pa rin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang mga sibilyan, tanggapan ng pamahalaan, mga bangko at mahahalagang pasilidad at maging mga base militar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |