|
||||||||
|
||
Malacañang, hindi nababahala sa suspension ng paglilitis kay Pemberton
WALANG dahilang mangamba ang mga kamag-anak ng napaslang na transgender na si Jennifer Laude sa dalawang buwang suspension ng paglilitis na iniutos ng hukuman sa Olongapo City.
Sinabi ng Malacañang na may sapat na panahong matapos ang paglilitis kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa loob ng isang taong takdang panahong binabanggit sa Visiting Forces Agreement.
Ipinaliwanag ni Kalihim Sonny Coloma, Jr. na ang dalawang buwang suspension ng paglilitis na ibinigay kay Pemberton ng Olongapo City Regional Trial Court ay bahagi ng judicial process na hindi maaaring hindi kilalanin.
Ani Kalihim Coloma, kailangang sundin ang kautusan ng hukuman samantalang nakabimbin ang petisyon ni Pemberton sa Department of Justice na humiling na pagbalik-aralan ang kasong murder laban sa kanya. Karapatan umano ng akusado ang paghiling sa Kagawaran ng Katarungan na pag-balik-aralan ang usapin.
Nararapat lamang matapos ang paglilitis sa loob ng isang taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |