|
||||||||
|
||
Kaso ni Pemberton, posibleng maging dahilan ng pagbabalik-aral sa Visiting Forces Agreement
MAY posibilidad na pagbalik-aralan ng pamahalaan ang Visiting Forces Agreement kasama ang Estados Unidos dahilan sa malalabong probisyon nito hinggil sa custody ni Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton, ang Americanong akusado ng pagpatay kay Jeffry "Jennifer" Laude, ang transgender mula Olongapo City.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, may hindi pagkakaunawaan sa custody ng kawal at naging hindi maiiwasan at paulit-ulit na problema dahilan sa malabong probisyon ng kasunduan.
Napakalabo ng ilang mga probisyon ng kasunduan at magiging dahilan ng iba't ibang interpretasyon ng magkabilang panig. Magugunitang kinasuhan si Pemberton ng pagpatay kay Jeffrey Laude noong nakalipas na Oktubre.
Ani Kalihim de Lima, nararapat magkasundo ang magkabilang-panig sa mga probisyon ng VFA. Nasimulan na ang pag-uusap ng magkabilang-panig bago pa man napaslang si Laude.
Nabatid na hindi pa natatapos ang implementing guidelines na ginagawa sa nakalipas na dalawang taon subalit mayroong mga hindi pinagkakasunduan ang magkabilang panig.
Sa kawalan ng implementing guidelines, hindi mapupwersa ang Estados Unidos na isuko ang kanilang mamamayan kahit pa maryoong warrant of arrest na ipinalabas ang hukuman.
Sang-ayon si Kalihim de Lima sa paniniwala ni Senate President Franklin M. Drilon na pagbalik-aralan ang Visiting Forces Agreement.
Naunang iginiit ng Pilipinas na dapat isuko ng EstadosUnidos si Pemberton subalit nanindigan ang America na mas mabuting ipiit si Pemberton sa loob ng Mutual Defense Board and Security Engagement Board sa loob ng Campo Aguinaldo sapagkat napapaloob sa VFA nang karapatang pigilin si Pemberton hanggang hindi tapos ang paglilitis.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |