|
||||||||
|
||
Mabagal na internet connection, ipinasisiyasat sa Congreso
HINILING ni Congressman Mark Aguilar Villar ng Las Piñas City na siyasatin ng angkop na komite ng Kongreso ang mabagal na internet connection sa bansa. Lubhang mabagal ang internet connection sa Pilipinas kung ihahambing sa mga kalapit bansa sa timog silangang Asia.
Sa kanyang House Resolution 1658, hiniling ni Villar sa House Committee on Information and Communication Technology na magsagawa ng pagsisiyasat kung paano maaayos ang internet connection sa bansa.
Ayon sa ulat ng Akamai, isang major US-based provider, ang internet connection sa Pilipinas ay mayroon lamang 2.1 megabits per second samantalang ayon sa internet metric firm na Ookia, ang Pilipinas ay mayroong average speed na 3.55 megabits per second.
Sinabi ni Congressman Villar na kailangang maayos ang kalagayang ito sapagkat apektado nito ang consumer welfare productivity, right to information at sa ekonomiya.
Ani G. Villar, sa pagkakaroon ng 3.6 megabytes per second at naiiwanan ng Laos na mayroong 4.0 Mbps, Indonesia na mayroong 4.1 Mbps., Myanmar at Brunei na mayroong 4.9 Mbps samantalang ang Malaysia ay mayroong 5.5 Mbps at Cambodia na pinakamabilis sa average rate na 5.7 Mbps.
Mayroong average speed ang Vietnam na 13.1 Mbps samantalang ang Thailand ay mas mabilis sa rate na 17.1 Mbps. Ang Singapore ay mayroong 61.0 Mbps. Hamak na mataas ang mga ito sa regional average na 12.4 Mbps.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |