|
||||||||
|
||
什么时候能搬进来 房租怎么付
20141228Aralin36Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungup
Kung nagustuhan ninyo ang apartment na iyon at gusto mong malaman kung kailan ka puwedeng lumipat, "Kailan ako puwedeng lumipat?"
什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)能(néng)搬(bān)进(jìn)来(lái)?
什(shén)么(me), ano; 时(shí)候(hòu), oras o panahon; 什(shén)么(me)时(shí)候(hòu), kailan.
能(néng), puwede o maaari.
搬(bān), lumipat; 进(jìn)来(lái), pariralang ginagamit kasunod ng pandiwa para ipakita ang direksyong papasok o papunta sa loob; 搬(bān)进(jìn)来(lái), lumipat.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 什么(shénme)时候(shíhòu)能(néng)搬进(bānjìn)来(lái)? Kailan ako puwedeng lumipat?
B: 下个月底(xiàgèyuèdǐ)。 Sa katapusan ng susunod na buwan.
A: 房租(fángzū)怎么(zěnme)付(fù)? Gaano kadalas ako magbabayad ng upa?
B: 一(yī)次(cì)付(fù)三(sān)个(gè)月(yuè)的(de)。Minsan kada tatlong buwan.
Gaano kadalas ako magbabayad ng upa?
房(fáng)租(zū)怎(zěn)么(me)付(fù)?
房(fáng),bahay; 租(zū), upa. 房(fáng)租(zū), upa.
怎(zěn)么(me), paano.
付(fù), bayaran.
Naritong muli ang ikatlong usapan:
A: 什么(shénme)时候(shíhòu)能(néng)搬进(bānjìn)来(lái)? Kailan ako puwedeng lumipat?
B: 下个月底(xiàgèyuèdǐ)。 Sa katapusan ng susunod na buwan.
A: 房租(fángzū)怎么(zěnme)付(fù)? Gaano kadalas ako magbabayad ng upa?
B: 一(yī)次(cì)付(fù)三(sān)个(gè)月(yuè)的(de)。Minsan kada tatlong buwan.
Okey, tumungo tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sa Tsina, karamihan sa mga kabataan ay nakatira sa kanilang mga magulang hanggang sa sila ay makapag-asawa, at iyong mga iba naman ay nananatiling nakapisan sa kanilang mga magulang kahit sila ay may-asawa na. Pag nagkaroon sila ng mga anak, ang mga magulang nila ay gumaganap rin ng papel bilang mga yaya ng kanilang mga supling. Pero may mga kabataan naman na mas pinipili ang umupa ng apartment o bumili ng bahay para sila ay makapamuhay nang nagsasarili. Sa pagbili ng bahay, maari silang mamili: bilhin ito nang cash o bilhin nang hulugan sa pamamagitan ng loan. Iyong mga pamilyang may mababang kita ay maaring mag-apply para bumili ng economy housing o umupa ng murang pabahay na subsidized ng gobyerno, kung maaabot nila ang ilang kondisyones. Datapuwat karamihan sa mga economy housing ay malayo sa kalunsuran, maalwan pa rin ang pamumuhay ng mga residente dahil sa subway.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |