|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Barko lumubog, siyam na tauhan nawawala
IBINALITA ng Philippine Coast Guard na isang barkong pangkargamento ang lumubog sa may Mindoro Oriental kahapon.
Nakaalis ang mga tauhan sakay ng dalawang life boats bago tuluyang lumubog ang MV Sea Merchant sa may Calapan City matapos bayuhin ng malakas na hangin at malalaking alon.
Nailigtas ang 11 tripulante kasama ang Chief Mate na nakilalang si Celso Rey Baiza ng isang pampasaherong barko sa may Lobo, Batangas.
Ayon kay Captain Gregorio Adel ng Philippine Coast Guard, commander ng PCG Southern Tagalog District, hindi pa mabatid ang kinahantungan ng siyam na iba pang mga tauhan. Inaaalam nila ang impormasyon kung nailigtas sila ng isang pampasaherong barko.
Pinayagang maglayag ang MC Sea Merchant mula sa Bauan, Batangas sapagkat mas maganda na ang panahon. Nagkataong sumama ang panahon mga ika-apat ng hapon.
Tumagilid umano ang barko matapos mapasok ng tubig at nag-utos ang kapitan ng barko na lumisan na sila sa kanilang kinasasakyan.
Pag-aari ng Fortune Sea Carrier, Inc., isang kumpanyang Filipino, ang MV Sea Merchant.
Samantala, ibinalitang isa sa mga tripulante ng barkong lumubog ang nasawi. Kinilala ang nasawi sa pangalang Chief Engineer Almarito Anciano na posibleng nabagok ang ulo samantalang lumilikas mula sa sinamampalad ng barko.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |