SINABI Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na nararapat ipagpatuloy ang sinimulan ni Dr. Jose Rizal na pagpupunyaging magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Ito ang kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-118 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Rizal.
Si Pangulong Aquino ang namuno sa pagtataas ng watawat at paglalagay ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal sa Maynila kaninang umaga. Nakausap din niya ang mga kamag-anak ng pambansang bayani.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na nararapat magsilbing inspirasyon si Dr. Rizal upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa mga mamamayan.
Kasama niyang nagtaas ng watawat ng Pilipinas sina Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay at si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.
1 2 3 4 5 6