Dalawa katao, nasawi sa pagsabog sa Mlang
DALAWA katao na ang nasawi sa pagsabog sa isang pamilihan sa Mlang, North Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon (ika-31 ng Disyembre, 2014). Ayon sa balitang natanggap ng isang himpilan ng telebisyon, nasawi ang ikalawang biktima samantalang ginagamot. Nasawi on-the-spot ang unang biktima matapos tamaan ng mga shrapnel.
Isang improvised explosive device (IED) ang ginamit ng nagpasabog. Nadakip ng pulisya ang pinaniniwalaang may kagagawan ngpagpapasbog tulad ng nagabap sa isa pang pagpapasabog sa Mlang noong nakalipas na Nobyembre, 2014.
Ayon sa pulisya, umabot naman sa 32 ang sugatan samantalang may 16 ang ginagamot pa. Tumanggi si Cotabato provincial police director Senior Supt. Danilo Peralta na posibleng may kinalaman ang mga kasapi ng Bangamoro Islamic Freedom Fighters, isa na namang grupo mula sa Moro Islamic Liberation Front sa insidente.
1 2 3 4 5