P200 libo, inialok sa magtuturo ng suspects sa pagpapasabog
NAGLAAN ng P 200,000 ang mga opisyal ng Cotabato sa makapagbibigay ng impormasyon na magiging daan upang madakip ang maykagagagawan ng pambobomba sa isang massage parlor na ikinasawi ng dalawa katao at pagkakasugat ng may 33 katao.
Kasunod ng pulong, nag-alok si Mlang Cotabato Mayor Joselito Pinol ng P100,000 upang madakip ang mga may kagagawan ng pagpapasabog. Samantala, si North Cotabato Mayor Emmylou Talino-Mendoza ang nag-alok din ng P 100,000.
1 2 3 4 5