Mga nasugatan sa paputok halos 600 katao
TUMAAS ang bilang ng mga nasugatan gawa ng mga paputok at umabot na sa 593 ayon sa pahayag ng Department of Health.
Sinabi ni Asst. Secretary Elmer Punzalan na 580 katao ang nagkasugat dahil sa paputok samantalang sampu ang tinamaan ng ligaw na bala. May tatlong nakalulon ng paputok na naitala kaninang umaga.
Mas mababa pa ito ng 40% kaysa naitala noong 2014 at may mababa ng 36% sa average na bilang na natanggap ng kagawran mula 2009 hanggang 2013. Piccolo pa rin ang nangunang dahilan ng pagkakasugat. Nakikinig na umano ang mga mamamayan sa kanilang mga panawagang huwag ng gumamit ng mga paputok.
Samantala, mas maraming hindi na bumili ng paputok sapagkat karamihan sa kanila'y nagsabing wala silang salaping ibibili nito.
Nagbabala rin ang Department of Health sa mga mamamayan na huwag ng mamulot ng mga paputok na hindi pumutok sapagkat may nakaambang peligro ang mga ito.
1 2 3 4 5