|
||||||||
|
||
我们什么时候签合同? 我给你开个收据
20150111Aralin37Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: Kailan natin pipirmahan ang kontrata?
我(wǒ)们(men)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)签(qiān)合(hé)同(tong)?
我(wǒ)们(men), tayo.
什(shén)么(me), ano; 时(shí)候(hòu), oras o panahon; 什(shén)么(me)时(shí)候(hòu), kailan.
签(qiān), pirmahan; 合(hé)同(tong), kontrata; 签(qiān)合(hé)同(tong), pirmahan ang kasunduan.
YOK: 签(qiān)合(hé)同(tong).
Kasiyahan natin ang ikaapat na usapan:
A: 我们(wǒmen)什么(shénme)时候(shíhòu)签(qiān)合同(hétong)? Kailan natin pipirmahan ang kontrata?
B: 没(méi)问题(wèntí)的话(dehuà),现在(xiànzài)就(jiù)可以(kěyǐ)。Puwede nating pirmahan ngayon.
Kadalasan, ang nagpapaupa ay nagbibigay ng resibo. "Bibigyan kita ng resibo."
我(wǒ)给(gěi)你(nǐ)开(kāi)个(gè)收(shōu)据(jù).
我(wǒ), ako.
给(gěi), pang-ukol na ginagamit sa harap ng taong tumatanggap ng aksyon na dito sa pangungusap na ito ay 你(nǐ) na nangangahulugan ng ka.
开(kāi), sumulat; 个(gè), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat; 收(shōu)据(jù), resibo. 开(kāi)个(gè)收(shōu)据(jù), isulat ang resibo.
Narito ang ikalimang usapan:
A: 这(zhè)是(shì)三个月(sāngèyuè)的(de)房租(fángzū)。Narito ang upa para sa tatlong buwan.
B: 好的(hǎode)。我(wǒ)给(gěi)你(nǐ)开(kāi)个(gè)收据(shōujù)? Okey. Bibigyan kita ng resibo.
Dumako na tayo ngayon sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sa Tsina, bago ang 1980, ang pagbili ng bahay at real estate ay kapuwa hindi pamilyar na konsepto para sa mga ordinaryong mamamayan. Noong panahong iyon, ang sistema ng housing rationing ay umiiral pa at ang mga residente ay naninirahan sa mga bahay na ipinagkakaloob ng kanilang pinagtatrabahuhang yunit at sila ay nagbabayad ng mababang upa—kung mayroon man. Siyempre, hindi talagang pag-aari ng mga residente ang kanilang mga tinitirahan.
Sapul noong pumasok ang 1990s itinigil na ng Tsina ang sistema ng pamamahagi ng welfare housing, at nagsimula na ang komersyalisasyon ng mga tirahan. Sa kasalukuyan, ang pagbili ng bahay ay isa na, sa pinakamalaking alalahanin para sa mga ordinaryog mamamayan. Para sa mga kabataan, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay halos isa nang pangangailangan, bago mag-asawa. Siyempre, para sa mga pamilyang hindi naman ganoon kaganda ang lagay sa buhay, ang pagbili ng bahay ay nangangahulugang pagkaubos ng lahat ng kanilang ipon, at maglalagay sa pamilya sa malaking pagkakautang. Magkagayunman, mas pinipili pa rin ng higit na nakararaming mamamayan na bumili ng bahay. Dahil sa pangmalayuang pananaw, ang pagbili ng bahay ay mas praktikal kaysa pag-upa.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |