|
||||||||
|
||
150115m.mp3
|
Pope Francis, darating sa Maynila bago sumapit ang dilim
INAASAHANG lalapag ang eroplano ni Pope Francis ganap na ika-lima't apatnapu't lima ng hapon para sa limang araw na pagdalaw sa Pilipinas. Umalis na siya sa Colombo, Sri Lanka.
Nakita sa telebisyon ang kanyang pagsakay sa eroplano bago nagpananghalian kanina.
Pamumunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga opisyal ng pamahalaang sasalubong sa Santo Papa. Magkakaroon ng motorcade patungo sa kanyang tahanan, sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue sa Maynila.
Maraming mga nag-aabang sa kanyang pagdating sa bansang maraming mga Katoliko.
Ayon sa mga balitang lumabas, naglakbay sa kagubatan (sa Sri Lanka) si Pope Francis upang ipakita ang pakikiisa sa mga biktima ng madugong digmaan at nanawagan sa madlang matutong magpatawad sa lahat ng kasamaang ginawa sa kanila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |