|
||||||||
|
||
Pinangangambahang bagyo, malamang manatili sa karagatan
MALAKI ang posibilidad na hindi na makarating sa lupa ang namumuong sama ng panahon kasabay ng paglalakbay ni Pope Francis.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), papasok si "Amang" sa Philippine Area of Responsibility pagdating ni Pope Francis sa Maynila.
Idinagdag ng ahensya na samantalang palakas si Amang sa paglapit nito sa Eastern Visayas, hihina na ito bago pa man tumama sa lupa.
Ang Eastern Visayas at mga kalapit-pook sa Timong Luzon, Kabisayaan at Mindanao na tinamaan ng magkasunod na bagyong Ruby at Senyang noong nakalipas na buwan ang nagsisimula pa lamang bumawi sa pinsalang idinulot ng mga bagyo.
Lumakas ito at naging isang tropical storm na may lakas na 65 kilometro sa bawat oras at pagbugsong hanggang 80 kilometro bawat oras na kumikilos sa kanluran hilangang kanluran patungo sa Eastern Visayas sa bilis na 19 kilometro bawat oras.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |