Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Tatlumpu't Walo Lipat-bahay

(GMT+08:00) 2015-01-16 16:51:08       CRI

您住几层 请把贵重物品收好


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Normal lang naman na tanungin kayo ng naghahakot kung sa aling palapag kayo nakatira: "Sa aling palapag kayo nakatira?"

您(nín)住(zhù)几(jǐ)层(céng)?

您(nín), kayo, magalang na porma ng 你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw o ka.

住(zhù), tumira.

几(jǐ), alin; 层(céng), palapag; 几(jǐ)层(céng), aling palapag.

Narito ang ikatlong usapan:

B: 请问(qǐngwèn),您(nín)住(zhù)几(jǐ)层(céng)? Sa aling palapag kayo nakatira?

A: 我(wǒ)住(zhù)6层(céng)。Sa ika-6 na palapag.

B: 有(yǒu)电梯(diàntī)吗(ma)? Mayroon bang elebeytor?

A: 有(yǒu)电(diàn)梯(tī)。 Oo. Mayroon.

Imumungkahi ng mga tauhan ng kompanyang naghahakot na ilagay ninyo ang inyong mahahalagang gamit sa ligtas na lalagyan. "Pakilagay lang ang mahahalaga ninyong gamit sa ligtas na lalagyan."

请(qǐng)把(bǎ)贵(guì)重(zhòng)物(wù)品(pǐn)收(shōu)好(hǎo).

请(qǐng), pakiusap.

把(bǎ), pang-ukol na ginagamit sa harap ng tumatanggap ng aksiyon.

贵(guì)重(zhòng), mahalaga/mamahalin.

物(wù)品(pǐn), gamit, bagay.

收(shōu)好(hǎo), ilagay sa ligtas na lalagyan.

YOK: 收(shōu)好(hǎo).

Pakinggan natin ang ikaapat na usapan:

B: 请(qǐng)把(bǎ)贵重(guìzhòng)物品(wùpǐn)收(shōu)好(hǎo)。Pakilagay lang ang mahahalaga ninyong gamit sa ligtas na lalagyan.

A: 我(wǒ)把(bǎ)所有(suǒyǒu)物品(wùpǐn)都(dōu)放(fàng)在(zài)纸箱子(zhǐxiāngzǐ)里(lǐ)。Naikahon ko nang lahat ang mga gamit ko.

Narito ang Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Hindi naging madali kailanman ang lumipat ng bahay, pero hindi lang daw ganito ayon sa mga sinaunang tradisyong Tsino. Noong unang panahon, kailangan kasing tsekin ninyo muna ang kalendaryo para pumili ng mapalad na petsa. Mayroon ding kaugalian na ang pinakamagandang oras sa araw para lumipat ay bago magtanghali at hindi dapat lumampas sa oras ng paglubog ng araw, sa dahilang ang paglipat sa gabi ay hindi itinuturing na masuwerte. Sa araw ng paglipat, sinuman ay dapat magsalita ng masusuwerteng bagay at sinuman sa pamilya ay hindi dapat umiyak at mag-init ang ulo o hindi dapat mamalo ng mga anak. Hindi rin sila dapat umidlip sa araw ng paglipat o umidlip sa bagong bahay sa araw ring iyon; madali daw silang magkakasakit sa hinaharap. Sa gabi, ang mga tao ay dapat magluto ng minatamis at ibahagi ito sa buong pamilya para mahangad ang pagkakaisa ng pamilya at ang buhay na puno ng kaligayahan at kasaganaan. Pero sa mga panahong ito, hindi na halos pinapansin ng mga tao ang mga tradisyong ito at kaunti na lang ang nakakaalam ng mga ito. Kung sa bagay, ang pinakamahalagang bagay lang naman ngayon ay makakita ng maaasahan at maipagkakapuring kompanyang tagapaglipat ng mga gamit. Bilang karagdagan, pagkaraang makalipat ng bahay, karaniwan na lang na imbitahan ang mga katrabaho at kaibigan sa isang hapunan para magdiwang.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>