|
||||||||
|
||
您取多少钱
20150121Aralin39Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Siyempre, kailangang magbigay kayo ng mga karagdagang impormasyon. Sa kalahatan, sasabihin sa inyo ng teller: Magkano ang gusto ninyong kunin?
您(nín)取(qǔ)多(duō)少(shǎo)钱(qián)?
您(nín), kayo, magalang na porma ng 你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw.
取(qǔ), maglabas o kumuha.
多(duō)少(shǎo), ilan; 钱(qián), pera; 多(duō)少(shǎo)钱(qián), magkano.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 您(nín)取(qǔ)多少(duōshǎo)钱(qián)? Magkano ang gusto ninyong kunin?
B: 一万(yīwàn)元(yuán)。Sampung libong yuan.
Sa bandang huli, maaring hilingin nila na ipasok ninyo ang numero ng inyong PIN. Pakipintod po ang numero ng inyong PIN.
请(qǐng)您(nín)输(shū)入(rù)密(mì)码(mǎ).
请(qǐng), pakiusap.
您(nín), kayo, magalang na porma ng 你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw.
输(shū)入(rù), ipasok.
密(mì)码(mǎ), numero ng PIN.
Narito ang ikaapat na usapan:
A: 请(qǐng)您(nín)输入(shūrù)密码(mìmǎ)。Pakipasok lang po ang numero ng PIN ninyo.
B: 好的(hǎode)。Okey.
Okey, ngayon, kasiyahan natin ang Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Sa loob ng maraming taon, kinakatigan ng mga mamamayang Tsino ang pagtitipid. Nagtitipid sila sa pagkain, damit, mga kasangkapan sa bahay, at nag-iimpok sila sa bangko. Gayunman, ang kasalukuyang Tsina ay pumasok na sa panahon ng konsumo, at ang tunguhin ng konsumo ay radikal na nagbabago. Ang bawat isa ay maaring magtamasa ng lehitimong karapatan bilang mamimili at pinasisigla rin naman ng gobyerno ang konsumo na siya namang nagpapasigla sa pangangailangang panloob. Tuwing panahon ng pista o holiday, ang mga malaking tindahan sa lunsod ay nagdaraos ng mga aktibidad na promosyonal na madalas ay napupuno ng tao. Sa pagitan ng pagbili ng mga usong damit, pagbili ng mga bagong labas na kasangkapang de koryente, pagbili ng bahay at kotse, at paglalakbay sa ibayong dagat, alam na alam ng mga kabataan kung paanong gumasta ng pera kung pagtatamo rin lang ng kasiyahan sa buhay ang pag-uusapan. Ang mga miyembro ng tinatawag na "moonlight clan" o iyong mga nag-uubos ng isang buwang suweldo sa loob lang ng isang buwan ay naglilitawan sa mga lunsod. Pero, siyempre, ang ganitong gawi ng mamimili ay hindi ginagawa ng karamihan ng mga tao.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |