2 Tatlong Abu Sayyaf napaslang, anim sugatan
SINABI ni Col. Restituto Padilla, Jr. tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na tatlong kasapi ng Abu Sayyaf ang napaslang samantalang anim na iba pa ang sugatan sa serye ng sagupaan sa Basilan kahapon.
Ipinagpatuloy ang operasyon sa ilalim ng Task Force Zambasulta sa pamamagitan ng Joint Task Group-Basilan saklaw ng Operation Fortis et Liber laban sa mga armado.
Ang mga kawal ng 64th Infantry Battalion and 4th Special Forces Battalion ang nakasagupa ng 50 kasapi ng Abu Sayyaf sa pamumuno nina Radzmil Jannatul at Juhaviel Alamsirul noong Martes sa mga barangay ng Pamatsaken at Baliwas sa Sumisip.
Tumagal ang sagupaan ng may dalawang oras ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Harold Cabunoc. Walang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng pamahalaan.
1 2 3 4 5 6