5 Misa para sa nasawing kawani ng Catholic Relief Services idaraos
PAMUMUNUAN ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto ang misa para sa nasawing kawani ng Catholic Relief Services matapos mabagsakan ng isang scaffolding noong Sabado sa Tacloban City.
Magugunitang binanggit ni Pope Francis ang naganap at nakipagkita pa sa ama ng biktimang si Kristel May Padasas, kawani ng CRS at isang volunteer sa pag-aayos ng Misa para sa mga biktima ni "Yolanda" sa Samar at Leyte.
Dinala na ang kanyang labi sa Maynila, sakay ng isang Air Force C-130 plane at inihatid sa kanyang tahanan sa Taguig. Kagabi ay nagmisa si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona bilang pakikiramay sa mga naulila.
Nabatid na hindi na naghanda si Kristel matapos sumapit ang kanyang ika-21 kaarawan at bumili na lamang ng mga pagkaing kanyang inihanda sa mga kabataan sa kanilang lugar. Ani Arsobispo Tirnona, isang uri na rin ito ng paglilingkod sa mga aba. Nagmula sa Buhi, Camarines Sur ang ina ng nasawi kaya't nakiramay sina Arsobispo Tirona.
Sa darating na Lunes, ika-26 ng umaga, dadalhin ang labi ni Kristel sa Adamson University na kanyang pinagtapusan ng BS Psychology noong 2008. Kinabukasan dadalhin ang kanyang labi sa Sto. Niño Parish sa Taguig City na pagdarausan ng Misa ni Arsobispo Pinto. Ihahatid ang labi ni Kristel sa ganap na ikatlo ng hapon sa Heritage Memorial Park.
1 2 3 4 5 6