Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maganda ang mga nagaganap sa Pilipinas ngayon

(GMT+08:00) 2015-01-14 16:53:13       CRI

Maganda ang mga nagaganap sa Pilipinas ngayon

EKONOMIYA NG UMUUNLAD NG MGA BANSA, MAAYOS.  Sinabi ni G. Rogier van den Brink, lead economist ng World Bank sa Pilipinas, na maganda ang takbo ng mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Pilipinas.  Kailangan lamang dagdagan ng Pilipinas ang public spending sa mga infrastructure at iba pang proyekto, sa larangan ng edukasyon at kalusugan upang makatapat sa ibang mga bansa sa rehiyon.  Na sa larawan din si Kal Kendrik Chua, isang ekonomista ng World Bank at si Dave Llorito, isa sa mga opisyal ng WB sa Maynila.  (Melo M. Acuna)

NANINIWALA ang mga dalubhasa ng World Bank sa Pilipinas na maganda ang daang tinatahak ng pamahalaan upang mapanatiling maayos ang takbo ng ekonomiya.

Sinabi nina G. Rogier van den Brink, Lead Economist at ni Karl Kendrick Chua, Senior Country Economist ng World Bank na kasunod ng mga nakalulungkot na pangyayari sa daigdig noong 2014, ang mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Pilipinas ay higit na nakinabang sa pagbagsak ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, gumagandang ekonomiya ng Estados Unidos, mas mababang pandaigdigang interest rates at nababawasang mga problema ng mauunlad na bansa.

Ito na napapaloob sa Global Economic Prospects (GEP) report na inilabas ngayon. Gumaganda ang larawan ng America at Great Britain na nakikita sa maayos na kalakaran sa pananalapi. May problema pa rin ang Euro area ngayon samantalang nagpapatuloy ang financial crisis sa kanilang mga ekonomiya. Maayos na napatatakbo ng Tsina ang kanilang pagpapabagal ng kaunlaran na nananatiling matatag sa pagkakaroon ng 7.1% at tinatayang 7.4 growth rate noong 2015, 7 % sa 2016 at 6.9% sa 2017.

Para kay G. Chua, kailangang matugunan ang pangangailangan para sa paggawa. Iminungkahi rin niya ang matataas ng paggasta ng pamahalaan sa mga pagawaing bayan. Kailangan ding dagdagan ang gastos para sa health at education requirements sapagkat napapag-iwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit na bansa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>