Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatago sa mahihirap na bata, isang kontrobersya na

(GMT+08:00) 2015-01-24 15:38:33       CRI

Simbahan, sinusuri ang panukalang Bangsamoro Basic Law

Hindi magtatagal ay maglalabas ng panukala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng kanilang paninindigan hinggil sa Bangsamoro Basic Law. Ito ang sinabi ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng CBCP sa isang press briefing kahapon/

Isusumite nila ang kanilang paninindigan sa Kongreso at Senado na nagbabalangkas ng panukalang batas. May tatlong batayang hinihiling si Arsobispo Villegas hinggil sa panukalang batas.

Kailangang magkaroon ng malawakang konsultasyon sa lahat ng mga mamamayan sapagkat hindi lamang para sa Mindanao, Katimugang Pilipinas ang panukala sapagkat ito ay makaaapekto sa buong bansa. Nararapat makonsulta ang lahat at pag-aralan ng mga mamamayan ang panukalang batas bilang bahagi ng pagiging mabuting mamamayan.

Hiniling din niya na isama sa konsultasyon ang mga katutubo, kahit ang mga Kristiyano na kabilang sa minorya sa ilang lalawigan. Binanggi na umano ni Pope Francis na nararapat pakinggan ang mga nasa labas o malayo sa pamahalaan at lipunan.

Wala umanong masama sa pagbibigay ng autonomiya sa mga Bangsamoro subalit hindi nararapat magkaroon ng autonomiya kung mawawalang-saysay ang integridad ng nasasakupan ng bansa. Hindi kailangang isakripisyo ang integirdad at magiging immoral na pumayag ang karamihan sa paghiwalay ng bahagi ng bansa. Hindi ethical at moral na magkaroon ng pagkakahiwalay ng kapuluan, dagdag pa ng arsobispo.

Idinagdag pa niya na nais lamang nilang matiyak na mapapanatili ang territorial integrity ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas. Hindi sila maninindigan sa isyung legal sapagkat ang kanilang sandigan ay ang tinaguriang ethical perspective.

Ipinaliwanag naman ni Arsobispo Romulo Valles ng Davao, pangalawang pangulo ng CBCP na kung pababayaang walang maliwanag na konsultasyon at pag-uusap, may posibilidad na lalong maging magulo ang situasyon. Ang kawalan ng pagkakaisa ay susi sa kaguluhan, ayon pa kay Arsobispo Valles.

Nararapat maging interesado ang madla at kung susundin ang deadline ni Pangulong Aquino, nararapat pakinggan ang lahat.

Ipinaliwanag pa ni Arsobispo Villegas na dapat angkinin ng lahat ang panukalang batas sapagkat mas mahalaga ang proseso ng pagpapanday ng batas kaysa sa produkto.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>