|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas, nakikiisa sa pagluluksa ng Saudi Arabia
IPINARATING ng Pamahalaan ng Pilipinas ang pakikiisa sa pagdadalamhati ng pamahalaan at mga mamamayan ng Saudi Arabia sa pagpanaw ng tagapangalaga ng dalawang banal na mosque, King Abdullah bin Abdulaziz Al-Saud.
Sa isang pahayag na inilabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, binanggit na namayapa ang hari kaninang umaga at hinalinhan ng kanyang kapatid na si Haring Salman bin Abdulaziz Al-Saud.
Ang namayapang hari, ayon sa pahayag, ay isang matapang, mabait at may pananaw na pinuno ng bansa na nagsimula ng mga pagbabago sa larangan ng edukasyon, pagawaing-bayan at isang moog ng pakikipaglaban sa extremism.
Sa ilalim ng pamumuno ni King Abdullah, lumaki ang ambag ng kaharian sa ekonomiya ng daigdig.
Isang malaking kawalan ang pagpanaw ng hari hindi lamang sa kanyang Kaharian, sa mga bansang Islam at maging sa daigdig.
Nakikiisa ang Pilipinas sa pamahalaan at mga mamamayan ng Saudi Arabia sa kanilang pagluluksa.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |