|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Filipino migrants, malaking tulong sa pananampalataya

MAS MAKABUBUTING MAGKASAMA ANG MAG-ASAWA SA IBANG BANSA. Ito ang mungkahi ni Arsobispo Angel Lagdameo ng Jaro, Iloilo. Isang dating pangulo ng CBCP, sinabi ni Arsobispo Lagdameo na makakaiwas sa tukso ang mag-asawa kung magkasama sila sa trabaho sa ibang bansa. (Melo M. Acuna)
MALAKING bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa ang nakakapuno sa iba't ibang simbahan sa Europa, America at Asia. Ang milyon-milyong overseas Filipinos ang dinadaluhan ng mga pari, madre at mga layko sa kanilang mga pangangailangang ispiritual at iba pang mga suliranin sa mga bansang nasa Asia, Europa, Gitnang Silangan at North America.
Sinabi ni Fr. Restituto Ogsimer, isang Scalabrinian missionary, na masiglang lumahok at dumalo sa Simbang Gabi ang mga Filipino sa Kuwait. Dumalo siya sa mga pagdiriwang sa mayamang bansa noong Disyembre.
Samantalang maraming mga Filipino ang nawala sa Pilipinas, nailipat naman sila sa mga bansang nasa America, Asia, Europa at Gitnang Silangan. Nakita rin ang pangangailangan ng mga simbahan sa kanilang mga bansang kinalalagyan sapagkat ang nakakapuno ng mga simbahan sa pagbaba ng mga mananampalataya sa mga bansang mula sa Europa hanggang sa hilagang America.
Nahaharap din sa malaking hamon ang mga pamilya ng manggagawang Filipino tulad ng pangungulila sa kanilang mga asawa't anak. Sa pagkakataong ito, may mga nangingibig sa iba, maging mga babae o lalaki at nagiging katanggap-tanggap sa lipunang kinalalagyan.
Sa panig ni Arsobispo Lagdameo, patuloy siyang mananawagan na magsama na ang mag-asawa sa kanilang pangingibang bansa upang maiwasan ang pangingibig sa ibang tao. Ito lamang ang magbibigay ng katiyakang hindi mapapasama ang mag-asawa.
Lumalabas ding magpapatuloy ang pangangailangan sa domestic helpers sapagkat gumaganda ang ekonomiya ng iba't ibang mauunlad na bansa at mapipilitan ang maybahay na magtrabaho rin tulad ng kalalakihan.
Naniniwala sina Arsobispo Lagdameo at Fr. Ogsimer na patuloy na darami ang mga mangingibang-bansa sapagkat walang anumang pangmatagalang trabahong naibibigay ang pamahalaan ngayon at sa mga susunod na panahon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |