Cardinal Tagle, nanawagang ipagdasal ang mga napaslang
NAKIISA ang Archdiocese of Manila sa pagluluksa at pagdadalamhati ng buong bansa sa malagim na pagkasawi ng 44 na tauhan ng Philippine National Police – Special Action Force noong Linggo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Cardinal Tagle na nakiisa sila sa mga pamilya at mga kaiabigang naulila dala ng sagupaan. Idinagdag pa ni Cardinal Tagle na nakikiisa sila sa paghahanap ng katarungan samantalang tiniyak ang pagdarasal ng komunidad.
Nanawagan siya sa lahat na magkaisa upang makamtan ang katarungan, katotohanan, kalayaan at pagmamahal. Hindi kailanman papayagang masayang ang buhay ninoman, dagdag pa ni Cardinala Tagle.
Inatasan niya ang lahat ng mga pari sa iba't ibang parokya, religious shrines at mga kapilya ng mga religious men and women na magdaos ng Misa para sa mga nasawi ngayong araw na ito kasabay ng pambansang araw ng pagluluksa.
1 2 3 4 5