|
||||||||
|
||
Palatuntunan ng pamahalaan, tinutulan ng Simbahan
NANINDIGAN ang Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI) laban sa inilabas na memorandum circular ng Manila International Airport Authority na nag-aatas sa lahat ng travel at airline establishments na magpapatupad ng International Passenger Service Charge o terminal fee na isasama na sa plane ticket.
Wala umanong galang ang MIAA sa nakabimbing usapin sa hukuman at sa isinasagawang Congressional at Senate hearings na naglalayong mabatid ang katuturan ng kautusan.
Lumalabag ang memorandum sa pagkakaroon ng extemption ng overseas Filipino workers na magbayad ng terminal fee ayon sa Migrant Workers' Act of 1995 at Republic Act No. 10022. Naguutos ang MIAA ayon sa kanilang memorandum na ang mga airline ticket na binili sa Pilipinas, sa ibang bansa at online ay kabibilangan ng terminal mula sa Linggo, unang araw ng Pebrero.
Inamin din ng MIAA na ang mga OFW na bibili ng ticket sa internet at sa ibang bansa ay hindi makagagamit ng exemption sapagkat ang mga kumpanya ng eroplano at travel agencies sa labas ng Pilipinas ay hindi kumikilala at hindi mapipilit na kilalamin ang exemptions na ibinibigay ng batas.
Inilalungkot ni Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Ittinerant and Migrant People na ipatutupad na ng pamahalaan ang bagong kalakaran samantalang nakabimbin sa hukuman ang usapin at magpapatuloy pa lamang ang pagdinig ng Senado't Kongreso sa darating na Lunes, ika-siyam sa buwan ng Pebrero.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |