Apatnapu't walong Filipino, nakauwi na mula sa Libya
DUMATING na sa Maynila ang 48 mga manggagawang Filipino mula sa Libya. Ang unang grupo ay gumating mga pasado alas tres ng hapon sakay ng QR 926 ng Qatar Airways sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport. Dumating naman ng ikalawang grupo na binubuo ng 24 katao ganap na ika-apat ng hapon sakay ng Emirates Air flight 332 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, umabot na sa 4,107 ang mga Filipinong nakabalik na sa Pilipinas mula sa Libya. Naroon din ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration upang makatulong sa kanila.
1 2 3 4 5