|
||||||||
|
||
MILF inaasahang magiging tapat sa pagpapatupad ng kasunduan
SINABI ni Deputy Director Leonardo Espina na umaasa siyang tapat ang Moro Islamic Liberation Front sa pagpapatupad ng peace agreement upang matiyak na maipapasa ang Bangsamoro Basic Law.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Bangsamoro Ad Hoc Committee sa Mababang Kapulungan, sinabi ni General Espina na sila ang tagapagbantay ng kapayapaan at sila'y pabor sa kapayapaan. Umaasa siyang magiging tapat ang MILF sa pagpapatupad nito.
Tiniyak ni General Espina ang House committee na handang ibahagi ng PNP sa komite ang kanilang ulat hinggil sa Mamasapano encounter.
Humingi siya ng paumanhin sa hindi pakakapagsumite ng PNP report kaagad at nagsabing pinagtatangkaan nilang matamo ang katarungan para sa kanilang mga nasawing mga tauhan.
Idinagdag pa ni General Espina na likod ng krisis, hindi matitigil ang kanilang gawain. Overkill umano ang naganap kaya't malaki ang kanyang hinanakit sa naganap.
Pinuna ng komite ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at Autonomous Region in Muslim Mindanao sa hindi pagsusumite ng kanilang mga ulat noong Lunes ng gabi.
Iniipon ng komite ang lahat ng ulat ng iba't ibang tanggapan upang masuri at pag0usapan kung itutuloy ang talakayan hinggil sa Bangsamoro Basic Law. Kahit pa nagsumite ng ulat ang AFP noong Martes, sinabi ni Congressman Rufus Rodriguez na kulang pa rin ang datos na kanilang natanggap.
Humingi naman ng paumanhin si General Pio Catapang sa kanyang pagharap sa komite kahapon sapagkat tuloy pa rin ang kanilang paghahanda ng kanilang ulat sa naganap na sagupaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |