|
||||||||
|
||
150203melo.mp3
|
Desisyon ng Korte Suprema sa DAP, niliwanag
NAGKAROON ng linaw ang naunang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara sa ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program na taliwas sa batas.
Ayon kay Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, bahagyang pinagbigyan ang motion for reconsideration na ipinarating ng tanggapan ng Solicitor General sa pag-aalis sa talaan ng mga unconstitutional acts ang pagpopondo ng mga proyekto, gawain at mga programa na hindi saklaw ng General Appropriations Act.
Sa pinakahuling desisyon, ang mga binabanggit na gawain ang nananatiling labag sa Saligang Batas tulad ng pag-aalis ng unobligated allotments at 'di pa nailalabas na salaping nakalaan bilang savings bago matapos ang tinaguriang fiscal year at hindi pagtugon sa statutory definition ng katagang savings na napapaloob sa General Appropriations Act.
Labag pa rin sa batas ang cross-border transfers ng 'di nagastos na salapi mula sa Ehekutibo upang dagdagan ang nakalaang salapi sa labas ng sangay ng Ehekutibo. Ipinagbabawal pa rin ang paggamit ng unprogrammed funds kahit walang sertipikasyon ng National Treasurer na humigit ang nalikom na salapi mula sa revenue targets for non-compliance sa isinasaad ng General Appropriations Act.
Ipinaliwanag ng Korte Suprema na sa oras na suspendihin o pigilin ng Pangulo ang paggasta ng salapi ng bayan, ang sinasabing salaping nalikom ay hindi magagastos hanggang hindi nababatid kung talagang ligtas ang salapi mula sa anumang babayaran at hindi na matutuloy pa ang unang nakapalatuntunang proyekto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |