Ituloy na ang imbestigasyon, panawagan ni Senador Binay
HINILING ni Senador Nancy Binay sa Senado na ituloy na ang imbesigasyon sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program at papanagutin ang mga may kagagawan ayon sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara ng ilang bahagi nito na labag sa Saligang Batas.
Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ni Senador Binay na ipinagpasalamat nila ang desisyon ng Korte Suprema noong 2014 na nagsabing labag sa Saligang Batas ang DAP.
Anang mambabatas, napapanahon na upang alamin mung paano nagasta ang P 167 bilyong piso na nailipat sa iba pang tanggapan ng pamahalaan. Nararapat ding mabatid ng taongbayan kung saan at paano nagasta ang P 167 bilyon patungo sa iba pang mga proyekto ng pamahalaan. Nararapat ding mabulgar kung sino ang mga may kagagawan ng pangha-hijack ng pambansang budget.
1 2 3 4