May kinalaman sa DAP, dapat nang siyasatin
SA paglalabas ng resolusyon kahapon ng Korte Suprema hinggil sa Disbursement Acceleration Program, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas na napapanahong siyasatin ang mga sangkot sa iskema at kung kakailanganin ay maipagsakdal.
Sa isang pahayag na inilabas kaninang umaga, sinabi ni Arsobispo Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na tuloy pa rin ang kanilang panawagan sa pamahalaan na paglingkuran ang mga mamamayan at umiwas sa lahat ng uri ng katiwalian.
Nanawagan din siya sa mga dalubhasa sa batas na pag-aralan ang epekto ng resolusyon hinggil sa Disbursement Acceleration Program.
Nanawagan din siya sa lahat na tupdin ang itinatadhana ng batas. Tiniyak ng arsobispo na magsasagawa ng sariling pagsisiyasat ang kapulungan ng mga obispo sa tulong ng mga dalubhasa hinggil sa pangyayaring ito.
1 2 3 4