|
||||||||
|
||
Paglago ng Asia, magpapatuloy pa rin
NANINIWALA ang Asian Development Bank na magpapatuloy ang paglago ng kalakal sa Asia. Sa kanilang Asian Development Outlook 2015: Financing Asia's Future Growth, sinabi ni Akiko Terada-Hagiwara, senior economist ng ADB, na tuloy ang paglago ng rehiyon sa pagkakaroon ng 6.3% growth ngayong 2015 hanggang 2016.
Ang pag-unlad ay magaganap sa pagkakaroon ng mga reporma sa iba't ibang bansa, pagbawi ng mga ekonomiya at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Inaasahang lalago ang India ng may 7.8% samantalang ang People's Republic of China ay magtatamo ng 7.2% growth. Gumagaan ang inflation dahil sa mas mababang presyo ng bilihin at ang mababang halaga ng petrolyo ay isang magandang oportunidad para sa pagpapasok ng kailangang fiscal reforms. Nararapat gumasta ang mga pamahalaan upang magpatuloy ang pag-unlad, pagsakop ng mas maraming tao at pagkakaroon ng katatagan.
Sa limang taong average, umabot sa 7.1% ang growth at malaki ang naiambag ng Tsina sa pandaigdigang pag-unlad sapagkat nakapagbigay sila ng 31.2 hanggang 31.9% at mas malaki sa naiambag ng India, America, ASEAN, Japan at Euro Area.
Nakasalalay ang kaunlaran ng rehiyon sa mga repormang ipinatutupad sa iba't ibang bansa, pagbawi ng mas malalaking ekonomiya at pagbabawas ng commodity prices.
Bagaman, nahaharap ang rehiyon sa posibleng epekto ng debt crisis sa Greece at ang lumalalang recession sa Russian Federation, mas mabagal na pagunlad ng People's Republic of China at India at ang pagdaloy ng capital dahilan sa nakatakdang pagtaas ng interest rates sa Estados Unidos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |