Senate President Drilon, kinatawan ni Pangulong Aquino sa Singapore
DADALO si Senate President Franklin M. Drilon sa state funeral ng kauna-unahang prime minister ng Singapore na si Lee Kuan Yew na pumanaw kahapon ng madaling araw sa edad na 91.
Si Senador Drilon ang kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa libing.
Ayon kay Senador Drilon, hiniling ni Pangulong Aquino na siya ang maging kiantawan ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa libing ni G. Lee. Gagawin ang State Funeral sa Linggo, ika-29 ng Marso sa Singapore University Cultural Center. Makakasama niya nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Finance Secretary Cesar V. Purisima.
Kinikilala ng daigdig si G. Lee sa kaunlarang nadala sa Singapore sa kanyang paglilingkon mula 1959 hanggang 1990 bilang prime minister.
1 2 3 4