LABING-LIMANG senador ang lumagda sa Senate draft report na nagsabing may kasalanan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa masaker na naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero.
Akda ni Senador Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Order na nagsiyasat sa insidente kasama ang mga bumubuo ng Committees on Peace, Unification and Reconciliation at Finance.
Ang mga lumagda ay sina Senador Grace Poe, Senador Francis Escudero, Senador Vicente "Tito" Sotto III, Senador Serge Osmena, Senador Aquilino Pimentel III, Senador Ferdinand R. Marcos, Jr., Senador Alan Cayetano, Senador Pia Cayetano, Senador Nancy Binay, Senador Ralph Recto, Senador Miriam Defensor-Santiago (electronic signature), Senador Gringo Honasan, ang detenidong mga senador na sina Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Senador Joseph Victor "JV" Ejercito.
Ayon kay Senador Poe, si Senador Loren Legarda ay nakatakdang lumagda sa draft report ngayong hapon. Si Senador Ejercito na darating pa lamang mula sa Estados Unidos ay lumagda gamit ang electronic signature.
Ang 15 senador na lumagda ay maituturing nang mayorya na kailangang ipadala sa plenaryo upang sang-ayunan o tanggihan. Inaasahan ding lalagda si Senador Bam Aquino ayon sa kanyang mga tauhan.
1 2 3 4 5 6