|
||||||||
|
||
回(huí)去(qù)多(duō)喝(hē)水(shuǐ) 好(hǎo)好(hǎo)休(xiū)息(xī)
20150401Aralin47Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Pagkaraan kayong esetahan, madalas sabihin ng doktor: Uminom ng maraming tubig at magpahinga nang mabuti.
回(huí)去(qù)多(duō)喝(hē)水(shuǐ),好(hǎo)好(hǎo)休(xiū)息(xī).
回(huí)去(qù), bumalik.
多(duō), nang marami.
喝(hē), uminom; 水(shuǐ); tubig; 喝(hē)水(shuǐ), uminom ng tubig.
好(hǎo)好(hǎo), nang mabuti.
休(xiū)息(xī), magpahinga.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 回去(huíqù)多(duō)喝水(hēshuǐ),好好(hǎohǎo)休息(xiūxī)。Uminom ng maraming tubig at magpahinga nang mabuti.
B: 知道(zhīdào)了(le)。谢谢(xièxiè)!Okey. Salamat!
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Ang tradisyonal na medisinang Tsino ay isang bukod tanging sistema ng panggagamot na nakaugat sa mga konseptong pilosopikal. Madalas itong nagsisimula sa pangkalahatang pagkakaalam sa sakit at pinahahalagahan ang diyagnostiks batay sa panlahatang pag-aanalisa sa sakit at kondisyon ng pasyente. Ang tradisyonal na diyagnostiks na Tsino ay base sa panlahatang obserbasyon ng sintomas ng tao. Ang diyagnosis ay isinasagawa sa pamamagitan ng apat na paraan: pag-obserba, pakikinig at pag-amoy, pagtatanong hinggil sa kasaysayang medikal, pagdampi o pagdama ng kamay sa pulso ng pasyente.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |