|
||||||||
|
||
没有生命危险吧 最好住院观察几天
20150416Aralin49Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Makaraang isugod ang pasyente sa ospital at gamutin o operahan, normal lang itatanong ng pamilya, kaibigan o taong naghatid sa kanya sa emergency ward na "Nasa peligro ba siya?"
没(méi)有(yǒu)生(shēng)命(mìng)危(wēi)险(xiǎn)吧(ba)?
没(méi)有(yǒu), wala o hindi magkaroon.
生(shēng)命(mìng), buhay.
危(wēi)险(xiǎn), peligro o panganib.
吧(ba), katagang pananong.
Sabi ng doktor: "mas mabuting tumigil muna siya sa ospital sa loob ng ilang araw para maobserbahan."
最(zuì)好(hǎo)住(zhù)院(yuàn)观(guān)察(chá)几(jǐ)天(tiān).
最(zuì)好(hǎo), mas mabuti.
住(zhù)院(yuàn), tumigil sa ospital.
观(guān)察(chá), obserbahan.
几(jǐ), ilan; 天(tiān), araw; 几(jǐ)天(tiān), ilang araw.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 没有(méiyǒu)生命(shēngmìng)危险(wēixiǎn)吧(ba)?Nasa peligro ba siya?
B: 不要紧(búyàojǐn)。最好(zuìhǎo)住院(zhùyuàn)观察(guānchá)几天(jǐtiān)。Hindi naman siguro talagang grabe. Mas mabuting tumigil muna siya sa ospital sa loob ng ilang araw para maobserbahan.
Mga Tip ng Kulturang Tsino.
May ilang taong nagsasabing mabagal ang epekto ng medisinang Tsino, pero sa totoo lang, ang medisinang Tsino ay isang napakaepektibong pang-unang lunas. Ang mga kilalang aklat na medikal na Tsinong "黄(huáng)帝(dì)内(nèi)经(jīng)", "伤(shāng)寒(hán)论(lùn)", at "备(bèi)急(jí)千(qiān)金(jīn)方(fāng)" ay nagbibigay-paliwanag sa mga gamit ng medisinang Tsino sa pang-unang lunas. Ang medisinang Tsino ay kinabibilangan ng maraming paraan ng paggagamot: acupuncture, 刮(guā)痧(shā), pagsasauli ng nalinsad na buto at pagmamasahe. At ang makabagong paraan ngayon ng pagpapainom ng gamot ay kinabibilangan ng mga isprey at ng tabletas. Ang pagpapainom ng pildoras na "速(sù)效(xiào)救(jiù)心(xīn)" na panggamot sa mga biktima ng matinding atake sa puso at ang paglalagay ng presyur sa lugar sa pagitan ng ilong at labi ng hinihimatay ay kapuwa kilala at epektibong paraan ng paggagamot.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |