Pangulong Aquino, dadalaw sa Japan sa Hunyo
MAGSISIMULA sa Martes, ikalawang araw ng Hunyo hanggang Biyernes, Ika-lima ng Hunyo ang pagdalaw ni Pangulong Beningo Simeon C. Aquino III sa Japan. Isa itong state visit.
Samantalang nasa Japan, makakakaharap niya ang Emperador at Emperatris ng Japan. Magkakaroon din ng isang hapunan sa karangalan ni Pangulong Aquino. Makakausap ni Pangulong Aquino si Prime Minister Shinzo Abe. Mayroon ding hapunan para sa karangalan ni Pangulong Aquino.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng Japan sa Maynila, isang mainit na pagsalubong ang naghihintay kay Pangulong Aquino sa kanilang bansa. Higit na lalakas angt relasyon ng magkabilang bansa sa pagdalaw na ito.
Sa panig ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, sinabi nila na idaraos ang pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa susunod na taon.
1 2 3 4 5