|
||||||||
|
||
Mga dalubhasa sa mga trahedya mula sa United Kingdom, dumadalaw
DUMATING sa Pilipinas ang may 40 kasapi ng isang specialist British military unit upang makasama ng mga dalubhasang Filipino mula sa pamahalaan at maging sa disaster relief organizations bilang bahagi ng taunang pagsasanay sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Samantalang nasa Maynila, ang mga kasapi ng 77 Brigade ay makikipagpalitan ng mga kwento at karanasan sa mga kinatawan ng pamahalaan, non-government organizatio9ns at humanitarian agencies sa pinag-isang programa tulad ng malakas na lindol.
Sa dalawang linggong pananatili sa Pilipinas, aalamin nila ang mga programa bilang tugon sa lindol. Magmumungkahi rin sila ng mga kailangang gawin upang mapag-ibayo ang pagtugon sa mga emerhensya.
Ayon kay British Ambassador Asif Ahmad, maraming natutuhan ang daigdig sa hamong mula sa bagyong "Yolanda." Kailangan ang maayos na pagbabalak upang matulungan ang mga mangangailangan sa pinakamadaling panahon.
Sinabi ni Lt. Colonel Jem Blades ng Royal Engineers, isang magandang pagkakjataong makasama ang mga bumubuo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |