Korte Suprema, pumayag sa kahilingan ng Sandiganbayan
MADADALA sa Sandiganbayan si Gng. Janet Lim-Napoles para sa kanyang kahilingang mag-piyansa. Magaganap ito sa pagpayag ng Korte Suprema sa kahilingan.
Hiniling ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ang pahintuloy ng hukuman na dalhin si Gng. Napoles sa Sandiganyan sa halip na sila ang magtungo sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Dinala na si Gng. Napoles sa Correctional matapos mapatunayang nagkasala sa usaping serious illegal detention. Mabibilanggo siya ng hanggang 40 taon. Mahihirapan umano ang Sandiganbayan sa paglalakbay patungong Mandaluyong City at sa mga usaping pangseguridad, kaya't mas mabuti nang dalhin na lamang si Gng. Napoles sa hukuman.
1 2 3 4 5