Mga biyahero, pinigilan sa mga daungan
HINDI nakapaglakbay ang may 3,000 mga pasaherong patungo sa iba't ibang lalawigan matapos itaas ang Public Storm Signal No. 1 sa Sorsogon, Albay at Masbate sanhi ng bagyong si "Dodong" na may international name na "Noul".
Ayon sa mga opisyal ng Office of Civil Defense sa Bicol, mayroong 2,262 pasahero sa Sorsogon ang stranded. Mayroon ding 859 na pasahero sa Albay at may 14 sa Masbate.
Ibinalita ng PAGASA, nakita si "Dodong" kaninang ikasampu ng umaga sa layong 480 kilometro sa silangag-hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar na may lakas na 150 kilometro bawat oras at pagbugsong 185 kilometro bawat oras.
Nakataas ang Signal No. 1 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Polillo Island sa Quezon Province at sa Northern Samar.
1 2 3 4 5