Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga ambassador ng Pilipinas at Norway, kabilang sa nasawi umano sa sakuna

(GMT+08:00) 2015-05-08 17:56:51       CRI

Philippine Red Cross, nagpasalamat sa mga kabalikat

PHILIPPINE RED CROSS, NAGPASALAMAT SA MGA TUMULONG.  Pinasalamatan ni Phil. Red Cross Chairman Richard Gordon ang iba't ibang Red Cross societies sa tumulong sa Pilipinas noong tamaan ni "Haiyan/Yolanda" noong 2013.  Kabilang sa kanyang binanggit ang Tsina na nagpadala ng med-evac hospital at may 166 silid-aralan.  Binanggit din niya ang tatlong payloaders na ipinagkaloob ni Ambassador Ma Keqing.  (Melo M. Acuna)

PINALAMATAN ni dating Senador Richard Gordon ang mga kasama sa iba't ibang Red Cross societies sa iba't ibang bansa sa paggunita sa ika-18 buwang anibersaryo ng paghagupit ni "Yolanda" noong ika-walo ng Nobyembre 2013.

Kabilang sa mga dumalo si Kari Isomaa, ang Head of Delegation ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies sa Pilipinas. Ayon kay G. Gordon, mula sa target na 83,127 mga pamilyang nangangailangan ng tahanan, nakatulong ang Red Cross sa may 54,765 mga pamilya sa iba't ibang bahagi ng bansang tinamaan ng malakas na bagyo.

Sa pamamagitan ng may 744 na Barangay Recovery Committees, higit na napadali ang pagkilala sa kanilang mga tutulungan. Nangako noon ang Red Cross na maglalaan ng livelihood assistance sa may 58,581 na tahanan at mula sa bilang na ito, nakapagparating sila ng tulong sa may 55,389 na tahanan. Nagkaroon din ng cash relief assistance noong nasa ilalim pa ng emergency phase at nakapagsanay ng may 706 na mamamayan sa larangan ng skills training.

Sa panayam, binanggit din ni G. Gordon na nakatulong din ang Tsina sa pamamagitan ni Ambassador Ma Ke Qing sa pagdadala ng tatlong payloaders, isang med-evac hospital na ginagamit pa nila hanggang ngayon at ang may 166 na silid aralan na itinayo sa Leyte.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>