Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, umaasang tagumpay ang paglalakbay

(GMT+08:00) 2015-06-02 17:45:33       CRI

Pagpasok ng America sa eksena, naging dahilan ng pagbabago ng situwasyon sa Asia

"FREEDOM OF NAVIGATION" GASGAS NG ARGUMENTO. Ani G. Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reforms, medals gamitin ng America lang "freedom of navigation" sa panghihimasok sa iba't ibang bansa. Ani G. Casiple, nagbago ang larawan ng Asia sa pagpasok ng America. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si G. Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reform na ang pagpasok sa eksena ng Estados Unidos ang naging dahilan ng pagbabagong anyo ng Asia dala ang isyu ng "freedom of navigation."

Sa isang panayam, sinabi ni G. Casiple na matagal ng ginagamit ng America ang "freedom of navigation" sa kanyang pakikialam sa alinmang bahagi ng daidgig, tulad ng South China Sea.

Naiba ang kalakaran sapagkat iba ang isyu ng Pilipinas sa isyu ng America nagkataon lamang na ang "freedom of navigation" ang nabibigyang-pansin ng mga mamamahayag.

Sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Japan, layunin ng Pilipinas na makakuha ng mas maraming kakampi sa mga isyung kinakaharap ngayon. Mayroong naunang alok ang Japan na magbibigay ng mga kagamitan, economic incentives kaya't nagtungo roon si Pangulong Aquino sa pag-asang makakakuha ng dagdag na biyaya.

Magiging malapit ang pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas sa larangan ng sandatahang lakas sa pagbabago rin ng kalakaran sa Japan na nagpalawak ng kahulugan ng katagang "self defense" na kabibilangan na ng "coalition defense". Posibleng magkaroon ng defense coalition ang dalawang bansa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>