|
||||||||
|
||
Sinabi niyang mayroong nangangamba ng dagdag pasanin ito ng mga mangulang, mga mag-aaral at mga guro.
Aniya, matagal na itong pinaghandaan at pinagbalakan at dumaan na rin sa mga konsultasyon.
Pinagtatangkaan ni Pangulong Aquinong pawiin ang agam-agam ng iba't ibang sektor. Idinagdag niyang pagkakataon ito upang higit na masanay ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Napapag-iwanan na ang Pilipinas ng daigdig sapagkat tatatlong bansa na lamang ang mayroong 10 taong basic education at tanging nag-iisa sa Asia.
Sa K to 12 Program, ang educational system ay maaayon sa pandaigdigang pamantayan. Mayroong sapat na pondo para sa repormang ipatutupad sa ilalim ng bagong palatuntunan.
Sa panig ni Bro. Armin Luistro, ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, walang anumang repormang magaganap kung walang oposisyon. Higit umanong nakakatakot kung walang naririnig na oposisyon.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Aquino ang K to 12 program noong 2013 at may pangalang Enhanced Basic Education Curriculum.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |