|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pamahalaan, may saksi laban kay Davao City Mayor Duterte
MAY saksi ang pamahalaang magdadawit kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa vigilante group na pinaangalanang Davao Death Squad. Ang DDS ang sinasabing nasa likod ng mga pagpatay ng may 1,020 hanggang 1,040 katao mula noong 1998 hanggang 2008.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, pinangalanan ng kanilang saksi kung sino-sino ang gumawa ng pagpatay sa kautusan ni Mayor Duterte.
Idinagdag pa ng kalihim na isang dating kasapi ng Davao Death Squad ang kanilang saksi na nagsabing siya ang pumaslang sa ilan sa mga biktima sa kautusan ni Mayor Duterte.
Naunang sinabi ni de Lima na ang pahayag ng saksi ang basehan ng case build-up ng National Bureau of Investigation laban sa grupo.
Mayroon nang case build up sa Davao Death Squad base sa sinabi ng saksi. Kasabay ang case buildup sa pagpaparating ng usapin laban kay dating Tagum City Mayor Rey "Chiong" Uy at 29 na iba pa na kinabibilangan ng mga retirado at kasalukuyang pulis, mga dating local official at mga sinasabing "hitmen."
Mayroong 82 extra-judicial killings at dalawang attempted murder cases laban sa dating alkalde ng Tagum City.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |