|
||||||||
|
||
150528melo.mp3
|
Pagbabago ng economic provisions ng Saligang Batas, pasado
PAGSUSOG SA SALIGANG BATAS, NAKAPASA SA KOBGRESO. Ibinalita ni Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. ang pagpasa ng resolusyong magbubukas ng Saligang Batas sa pagsusog upang makapasok ang banyagang nangangapital. (House PRIB Photo)
NATUWA si Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. sa pagkakapasa sa ikalawang pagbasa ng kanyang panukalang luwagan ang mahihigpit na economic provisions ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Ang Resolution of Both Houses No. 1 ang naglalayong susugan ang ilang economic provisions sa pagpapasok ng katagang "unless otherwise provided by law" partikular ang Articles XII, XIV at XVI ng Saligang Batas.
Ani Speaker Belmonte, ang pagsusog na ito ang isang susi upang mabuksan ng Kongreso na magpanday ng bagong batas sa pakikipag-usap sa iba't ibang sektor ng lipunan na siyang magdadala ng mas maraming foreign direct investments sa Pilipinas nang hindi nasasalaula ang pag-aari ng bansa.
Mahalaga ang papel ng kalakalan at investments sa eocnomic development na siyang magpapatatag sa natatamong kaunlaran sa ekonomiya ng bansa samantalang magdudulot ng mas maraming hanapbuhay para sa mga mamamayan.
Pinasalamatan niya ang mga kapwa mambabatas na naging tagapagtaguyod ng kanilang panukalang batas na kinabibilangan nina Congresswoman Mylene J. Garcia-Albano, chairperson ng House Committee on Constutitional Amendments, Congressmen Xavier Jesus Romualdo, Rodel Batocabe, Rufus Rodriguez, Joaquin Chipeco, Emil Ong, Anthony Bravo, Victor Ortega, Oscar Rodriguez, Karlo Alexei Nograles, Ben Evardone at Christopher Co.
Ipinagmalaki ni Chairperson Garcia-Albano na sa pagluluwag sa mahihigpit na probisyon ng Saligang Batas at sa pagbibigay sa Kongreso ng karapatang magpanday ng batas na makatutugon sa pambansa at pandaigdig na pangyayari, higit na makikinabang ang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |