|
||||||||
|
||
150512melo.mp3
|
Humanitarian Diplomacy, kailangan
MANILA CONFERENCE ON MIGRATION 2015, SINIMULAN NA. Dumalo ang mga kinatawan ng iba't ibang bansang nagpapadala at tumatanggap ng mga manggagawa sa dalawang araw na pulong ng sinimulan ng Philippine Red Cross at International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies. Paksa nila ang mga paraan ng paglilitgtas sa mga kababaihang inaabuso sa iba't ibang bansa. Maglulunsad sila ng call center na tatanggap ng mga panawagan sa iba't ibang bansa. (Melo M. Acuna)
KAHIT may pagkakaiba ang mga kultura sa ilang mga bansang Arabo, magkakaroon ng pagtutulungan ang mga kasapi ng Red Cross at Red Crescent upang maibsan ang panganib ng mga kababaihang naglilingkod bilang mga kasambahay sa Gitnang Silangan.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, malaki ang magagawa ng pinagsanib ng Red Cross societies sapagkat hindi sa Manila Conference nagtatapos ang pag-uusap. Magkakaroon pa ng mga pagpupulong sa susunod na panahon upang higit na mapakinabangan ang pagkakaibigan at teknolohiya para sa kabutihan ng madla.
Sinimulan nila ang paglilingkod sa mga kababaihan sapagkat ito ang higit na nangangailangan ng pansin. Naitatag na sa isipan ng iba't ibang lipunan ang paninindigan ng Red Cross movement noon pa mang mga nakalipas na digmaan na hindi nakakasama sa mga non-combatants, mga sugatan at maysakit, matatanda at mga kabataan sa sigalot at kaguluhan.
Walang intensyon ang kanilang samahang manisi, manghiya at magkondena sapagkat ang kanilang layunin ay mapaunlad ang kalagayan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Niliwanag ni Chairman Gordon na hindi lamang mga lehitimong manggagawa ang kanilang tutulungan. Makakasama na rin ang mga ilegal na lumabas ng bansa sapagkat kahit ang mga ilegal sa Italya ay tinulungan ng Red Cross. Marami na ring lumisan mula sa Yemen, Libya at iba pang magugulong bansa at natulungan ng Red Cross at Red Crescent societies.
Mayroon na ring mga tauhan ng Red Cross at Red Crescent ang napaslang sa kanilang paglilingkod sa mga nangangailangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |