|
||||||||
|
||
能(néng)跳(tiào)支(zhī)舞(wǔ)吗(ma) 我(wǒ)请(qǐng)你(nǐ)喝(hē)一(yì)杯(bēi), 好(hǎo)吗(ma)
20150624Aralin59Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa nakaraang aralin, pinag-usapan natin ang mga pangungusap na may kinalaman sa paglilibang-libang sa bar.
Sa araling ito, muli tayong magpapakasaya at pupunta naman tayo sa isang disko. Siyempre, kapag nasa disko, kailangang magsayaw. Paano sabihin sa wikang Tsino ang "gusto mo bang makipagsayaw sa akin?"
能(néng)跳(tiào)支(zhī)舞(wǔ)吗(ma)?
能(néng), puwede o maaari.
跳(tiào)舞(wǔ), sumayaw o makipagsayaw; 支(zhī), katagang panukat; 跳(tiào)支(zhī)舞(wǔ), makipagsayaw.
吗(ma), katagang pananong.
Narito po ang unang usapan:
A: 小姐(xiǎojiě),您好(nínhǎo)。能(néng)跳(tiào)个(gè)舞(wǔ)吗(ma)?Hi, miss! Maaari ba tayong sumayaw?
B: 不好意思(bùhǎoyìsi),我(wǒ)有些(yǒuxiē)不(bù)太(tài)舒服(shūfu)。Pasensiya ka na. Masama ang pakiramdam ko.
Susunod na pangungusap, "ibibili kita ng maiinom, okey ba?"
我(wǒ)请(qǐng)你(nǐ)喝(hē)一(yì)杯(bēi), 好(hǎo)吗(ma)?
我(wǒ), ako o ko.
请(qǐng), anyayahan, o ibili.
你(nǐ), ikaw o ka.
喝(hē), uminom.
一(yī), isa; 杯(bēi), baso; 一(yì)杯(bēi), isang baso.
好(hǎo), okay; 吗(ma), katagang pananong; 好(hǎo)吗(ma), okey ba?
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 我(wǒ)请(qǐng)你(nǐ)喝(hē)一(yī)杯(bēi),好(hǎo)吗(ma)?Puwede ba kitang ikuha ng maiinom?
B: 好(hǎo)啊(ā)。Okey.
A: 想(xiǎng)喝(hē)点(diǎn)什么(shénme)?Ano ang gusto mong inumin?
B: 一(yī)杯(bēi)橙(chéng)汁(zhī)。谢(xiè)谢(xiè)。Isang baso ng orange juice. Salamat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |