|
||||||||
|
||
有(yǒu)问(wèn)题(tí)吗(ma) 这(zhè)个(ge)字(zì)是(shì)什(shén)么(me)意(yì)思(si)
20150514Aralin53Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang ilang ekspresyon na magagamit ninyo kung kayo ay papasok sa isang pamantasan.
Kung may katanungan sa titser, itaas lang ang kamay. Tapos, tatanungin ng titser kung ano ang iyong nais.
"Mayroon kang gustong itanong?"
有(yǒu)问(wèn)题(tí)吗(ma)?
有(yǒu), mayroon, magkaroon.
问(wèn)题(tí), tanong.
吗(ma), katagang nagpapahiwatig ng tanong.
Narito po ang unang usapan:
A: 王老师(wánglǎoshī)好(hǎo)!Helo po, Propesor Wang.
B: 你好(nǐhǎo)。有问题(yǒuwèntí)吗(ma)?Helo, mayroon kang gustong itanong?
Susunod, ano ang kahulugan ng karakter na ito?
这(zhè)个(ge)字(zì)是(shì)什(shén)么(me)意(yì)思(si)?
这(zhè), ito; 个(ge), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat. 这(zhè)个(ge), ito.
字(zì), karakter na Tsino.
是(shì), katagang nagbibigay-diin.
什(shén)么(me), ano.
意(yì)思(si), kahulugan.
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 这个(zhège)字(zì)是(shì)什么(shénme)意思(yìsi)?Ano ang kahulugan ng karakter na ito?
B: 我(wǒ)来(lái)给(gěi)你(nǐ)解释(jiěshì)一(yī)下。Hayaan mo't ipapaliwanag ko sa iyo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |