|
||||||||
|
||
怎(zěn)么(me)办(bàn)借(jiè)书(shū)证(zhèng) 这(zhè)些(xiē)书(shū)可(kě)以(yǐ)外(wài)借(jiè)吗(ma)
20150522Aralin54Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Importanteng bahagi ng pag-aaral sa eskuwela ang pagpunta sa aklatan, upang i-research ang mga sabdiyek na ibinibigay ng mga titser. Ang aklatan sa wikang Tsino ay: 图(tú)书(shū)馆(guǎn). 图(tú)书(shū), libro o aklat; 图(tú)书(shū)馆(guǎn), aklatan.
Ngayong alam na natin kung paano sabihin sa wikang Tsino ang aklatan, ang unang pangungusap na pag-aaralan natin ay: Paano ako mag-aaplay para sa library card? O, Paano ako makakasapi sa aklatan?
怎(zěn)么(me)办(bàn)借(jiè)书(shū)证(zhèng)?
怎(zěn)么(me), paano.
办(bàn), mag-aplay.
借(jiè)书(shū)证(zhèng), library card. 借(jiè), humiram; 书(shū), libro; 证(zhèng), kard.
Narito po ang unang usapan:
A: 怎么办(zěnmebàn)借书证(jièshūzhèng)?Paano ako mag-aaplay para sa library card?
B: 你(nǐ)需要(xūyào)准备(zhǔnbèi)一(yī)张(zhāng)一(yī)寸(cùn)的(de)照片(zhàopiàn),以及(yǐjí)10块(kuài)钱(qián)的(de)工本费(gōngběnfèi)。Magdala ka ng isang 1*1 na litrato para sa ID at 10 yuan para sa kard.
Ngayon magtungo naman tayo sa paghiram ng mga libro. Puwede bang mahiram at ilabas ang mga librong ito?
这(zhè)些(xiē)书(shū)可(kě)以(yǐ)外(wài)借(jiè)吗(ma)?
这(zhè), ito; 些(xiē), salitang panukat na nagpapakita ng di-takdang bilang; 这(zhè)些(xiē), ang mga ito.
书(shū), libro o aklat.
这(zhè)些(xiē)书(shū), ang mga librong ito.
可(kě)以(yǐ), maaari o puwede.
外(wài)借(jiè), hiramin o mahiram.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 这些(zhèxiē)书(shū)可(kě)以外(yǐwài)借(jiè)吗(ma)?Puwede bang mahiram ang mga librong ito?
B: 不(bù)可以(kěyǐ),这(zhè)是(shì)图书馆(túshūguǎn)的(de)规定(guīdìng)。Hindi puwede. Bawal iyan sa regulasyon ng aklatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |