|
||||||||
|
||
哪(nǎ)儿(er)有(yǒu)网(wǎng)吧(bā) 你(nǐ)有(yǒu)自(zì)己(jǐ)的(de)博(bó)客(kè)吗(ma)
20150604Aralin56Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Hindi lahat ay may kompyuter, pero walang problema, dahil marami naman ngayong Internet café sa pali-paligid. Kung naghahanap kayo ng Internet café, pero wala kayong makita, maaari kayong magtanong ng ganito: "Saan merong internet café?"
哪(nǎ)儿(er)有(yǒu)网(wǎng)吧(bā)?
哪(nǎ)儿(er), saan.
有(yǒu), may o mayroon.
网(wǎng), Internet; 吧(bā), bar; 网(wǎng)吧(bā) Internet café.
Narito po ang unang usapan:
A: 哪儿(nǎer)有(yǒu)网吧(wǎngbā)?Saan merong Internet bar?
B: 我们(wǒmen)学校(xuéxiào)东南(dōngnán)角(jiǎo)就(jiù)有(yǒu)一(yī)个(gè)。Mayroong isa doon sa may southeast corner ng aming eskuwelahan.
Pangalawa: Mayroon ka bang sariling blog?
你(nǐ)有(yǒu)自(zì)己(jǐ)的(de)博(bó)客(kè)吗(ma)?
你(nǐ), ikaw o ka.
有(yǒu), may o mayroon.
自(zì)己(jǐ)的(de), sarili.
博(bó)客(kè), blog.
吗(ma), katagang pananong na nasa hulihan ng pangungusap.
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 你(nǐ)有(yǒu)自己(zìjǐ)的(de)博(bó)客(kè)吗(ma)?May sariling blog ka ba?
B: 当然(dāngrán)了(le)。我(wǒ)的(de)博(bó)客(kè)点击率(diǎnjīlǜ)还(hái)挺(tǐng)高(gāo)的(de)。Oo naman. Mataas nga ang hit rate ko, eh.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |