|
||||||||
|
||
我(wǒ)的(de)汉(hàn)语(yǔ)不(bù)好(hǎo) 我(wǒ)听(tīng)不(bù)懂(dǒng)
20150612Aralin57Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang ilang kapaki-pakinabang na ekspresyon na may kinalaman sa pagpapatala para sa isang kurso sa kolehiyo.
Una: "Hindi magaling na magaling ang pagsasalita ko ng wikang Tsino."
我(wǒ)的(de)汉(hàn)语(yǔ)不(bù)好(hǎo).
我(wǒ), ako. 的(de), katagang kasunod ng pang-ngalan na nagpapakita ng pag-aari ng bagay, kakayahan at iba pa. 我(wǒ)的(de), ko o akin.
汉(hàn)语(yǔ), wikang Tsino.
不(bù), hindi.
好(hǎo), mahusay o magaling.
YOK: 好(hǎo).
Narito po ang unang usapan:
A: 您(nín)以前(yǐqián)学(xué)过(guò)汉语(hànyǔ)吗(ma)?Nag-aral ka na ba ng wikang Tsino noon?
B: 学(xué)过(guò)一点儿(yìdiǎner)。我(wǒ)的(de)汉语(hànyǔ)不好(bùhǎo)。Nag-aral ako nang konti. Pero, hindi pa talaga ako bihasa sa pagsasalita ng wikang Tsino.
A: 你(nǐ)说(shuō)得(dé)挺(tǐng)好(hǎo)的(de)。Ang husay-husay mong magsalita.
Susunod: Hindi ko maintindihan.
我(wǒ)听(tīng)不(bù)懂(dǒng).
我(wǒ), ako o ko.
听(tīng), makinig o pakinggan.
不(bù), hindi.
懂(dǒng), maintindihan.
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 我(wǒ)听(tīng)不(bù)懂(dǒng)。您(nín)会(huì)说(shuō)英语(yīngyǔ)吗(ma)?Hindi ko maintindihan. Nakakapag-Ingles ka ba?
B: 对不起(duìbuqǐ),我(wǒ)不会(búhuì)说(shuō)英语(yīngyǔ)。Pasensiya ka na. Hindi ako nakakapag-Ingles.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |